(L-R)Ako,si mama, si JB(anak ni ate),si kuya at si ate |
Ako ay lumaki sa Pangasinan kasama sina mama, ate at kuya. Noong elementary ako ay maayos ang aking performance sa school, nakakasali ako sa honor students (whe? yabang? hehe) na labis na ikinatutuwa ng aking pamilya. Mula grade 1 hanggang grade 5 ay sa Mababang Paaralan ng Lananpin Elementary School ako pumasok. Ngunit noong grade 6 ako ay napagpasiyahan nina mama na dito na ako mag-aral sa San Pablo dahil nakabili ng lupa dito si ate. Lubhang mahirap para sa akin ang ginawang paglilipat ng paaralan dahil nasanay na ako sa mga taong nakakasalamuha ko duon sa amin, dagdag pa nito ang pagiging graduating student ko(hirap talaga!!) pero hindi ko na ito inisip pa sa halip ay nagsikap ako na mapabuti ang pag-aaral ko dito. Nagtapos ako ng elementarya sa San Lucas II Elementary School. Hindi ko nagawang makahabol sa honors kasi lima lang ang kinuha pero ok na yun, atleast graduate na(diba?).
Ito na ako ngayon, high school na ako, sobrang excited ako kasi sabi nila ito raw yung mga panahon na talagang ibang saya ang iyong madadama dahil dito mo raw makikilala ang mga taong magkakaroon ng malaking parte ng iyong buhay. Ngayon ay nag-aaral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, masaya kasi kabilang ako sa iilang estudyante na kasama sa tinatawag na Science Curriculum. Akala ko nung una puro saya ang mararamdaman mo dito, pero hindi pala kasi mahirap din pala ang buhay high school. Maraming subjects, maraming assignments, projects at dagdag pa ang walang katapusang quizes at test.
Masaya talaga ang high school, sobrang daming activities at mga contest na maaari mong salihan. Isa sa mga hindi ko malilimutan nung first year ako ay noong nagplay kami ng ibong adarna, nakakatuwang isipin na dati nanonood lang ako ng ganun ngayon kasama na ako sa mga umaarte. Lalo pang ikinasaya ng aming section dahil kami ay nagwagi bilang champion (galing namin nu? yan ang science). Nung second year na ay kami kami parin ang magkakasama pero meron kaming dalwang kaklase na nagtransfer, pero tuloy parin ang saya. Isang malaking prebelehiyo para sa akin ang makabilang sa Mr. and Ms. intrams noong September 2009 , hindi ako nanalo noon pero ayus lang kasi iba parin ang pakiramdam na maging part ka ng isang kumpetisyong ganun. Noong Pebrero 2010 ay lumaban naman ako sa Mr. and Ms. Campus Sweetheart, nakakatuwang isipin dahil nanalo ako noon, first runner up (yehey! ang saya saya). Pagkatapos ay ito na naman, magkakaroon na naman ng laban ang aming section sa play ng florante at laura. Sa mga practice namin ay medyo nagkakagulo kami pero masaya parin naman. Nakuha namin ang ikalawang gantimpala sa patimpalak na ito, "HISTORY BREAKER" kami kasi kami ang pinaka unang science na hindi nag champion dito (huhuhu, nakakalungkot). Pero life mas go on! tuloy parin!
Nakakatuwang isipin na pagtuntong namin ng 3rd year ay wala paring natanggal sa amin at wala rin nag transfer, buti nalang, hindi kami nagkahiwa hiwalay (ako ba to? plastic!hehe). September ng taong 2010, hindi ko malilimutan ang araw na yun kasi tatlong elimination ang sinalihan ko nun, una ay yung sa pagbigkas ng tula para sa darating na linggo ng wika, ikalawa ay para sa Mr. intrams '10 at ikatlo ay para sa Regional Schools Press Conference(RSPC) na ang kategorya ay radio broadcasting. Pagsapit ng hapon ay, labis labis na ligaya ang aking nadama sapagkat nakapasok ako sa tatlong yun. At sa laban na ay, naging 2nd placer ako sa pagbigkas ng tula.
Mr. and Ms. Intrams '10 |
Dahil High School at teenager syempre hindi mawawala jan ang buhay pag-ibig (haha...kakilig), October 18,2010, birthday ni Bea, dati kong bestfriend. ito rin ang araw na nagtapat ako sa kanya ng siya ay aking minamahal. Ibang ligaya ang aking nadama dahil siya ay naging girlfriend ko, sa ganitong edad daw puppy love palang ang nararamdaman mo, makakahanap pa raw ako ng iba, pero para sa akin ayaw ko ng maghanap ng iba, kasi gusto ko siya na, Mahal ko eh:) Simula noon ay lagi ko siyang hinahatid pag-uwi at syempre nagtetext din kami (buhay pag-ibig nga naman).
November 8 ay nagtungo na kami sa Sta. Rosa kasama ang iba kong kamag-aaral at ang aking mga ka-team sa radio broadcasting, sina Jomar, Angela, Townie, Shara at JC, kami ang Filipino team ng radiobroadcasters. Maraming training ang aming napagdaanan sa gabay ni Miss El at Mr. Lacsam. Hindi nasayang ang lahat ng paghihirap namin dahil kami ay nag 1st at dahil doon ay makakasakay na ako ng eroplano (haha. first time eh) Kami ay nakatakdang tumungo sa Butuan City kung saan gaganapin ang National Schools Press Conference. Para sa akin ay isa na ito sa pinaka magandang nangyari sa aking buhay na hinding hindi ko makakalimutan.
Me and Bea(JS prom) |
Sa high school siyempre ay hindi mawawala ang JS, twice in a lifetime lang pwede mangyari ito kaya syempre hindi ko ito pinalampas. Kakaiba ang tema ng aming prom dahil Hawiian ang naging theme, first time ito sa Dizon High at kami ang unang batch na makakasubok nun. Sobrang saya ng JS, syempre naisayaw ko yung crush ko(hala patay baka magalit ang gf...haha). Dito rin ay on the spot pinili ang mga estudyante na ipanlalaban para sa Mr. And Ms. Hawaiian Luan(parang mr. and ms. js din, tinulad lang talaga sa hawaii), isang malaking karangalan para sa akin ang mapili ng aming guro para sumali dito. At labis kong ikinatuwa ng makamit ko ang isang title ang pagiging Mr. Hawaiian Tropic.at si Bea naman ang nagkamit ng Ms. Hawaiin Luan. Masaya ako para sa aming pagkapanalo.
Hayyy, 14 years palang yan ng aking buhay, nakasisiguro ako na marami pang mga pangyayari ang magaganap sa aking patuloy na paglalakbay sa mundong ito. Sa susunod na taon, ga graduate na ako. Paano kaya ang magiging buhay ko sa college? Kasing saya at kasing gulo rin kaya ito ng buhay ko ngayong high school? Excited na ako!