Sunday, February 13, 2011

Percy Jackson and the Olympians: The Lightning Thief

Tauhan: Percy Jackson, Annabeth, Grover, Sally, Chiron/Mr. Brunner, Luke, Zeus, Poseidon, Hades at mga Diyos sa Griyego
Pinangyarihan: Hollywood, Underworld, Empire State Building, Yancy Academy, Lotus Casino, Parthenon Museum at Mt. Olympus

Buod:

   Matagal na panahon ng hindi nagkikita ang magkapatid na sina Zeus at Poseidon na siyang mga diyos ng griyego. Hanggang dumating ang araw na sila ay nagkita sa tuktok ng Empire State Building. Dito na nag-umpisang mangusap si Zeus at sinabi niya na ninakaw ang lightning bolt na siyang tinuturing na  pinakamalakas na sandatang nilikha. Matagal ng magkaribal sa pamumuno ang dalawa ngunit may sumpaan sila na hindi magnanakawan ng kapangyarihan pero sinabi ni Zeus na sila lamang at hindi ang kanilang mga anak kaya pinagbintangan nito ang anak ni Poseidon. Sinabi ni Zeus na kapag hindi naibalik ang sandata sa loob ng labing apat na araw ay magbubunga ito ng isang malaking digmaan sa pagitan nilang magkapatid.


   Sa mundo naman ng mga tao ay napagbintagan si Percy Jackson na siyang anak ni Poseidon na siya ang nagnakaw ng nasabing lightning Bolt. Hindi maikakaila na anak nga siya ng isang diyos ng mga griyego dahil sa kakayahan nitong magtagal sa ilalim ng tubig at kontrolin ang tubig ngunit siya ay walang kaalam alam sa mga nangyayari sa itaas at kahit kelan ay hindi niya nakilala ang kanyang ama.


   Habang nagkaklase sila ay nagtanong ang kanilang guro tungkol sa greek mythology.
Tinanong niya si Percy kung makapagbibigay ito ng isang demigod o anak ng diyos at isang tao at may pagkakatulad daw sila. Biglang may mga namuong salita na naman sa kanyang isip at naisagot niya ay Perseus. Pagkatapos ng klase ay tinawag siya ng kanyang guro at sumunod naman si Percy ngunit nung sila na lamang ay nagulat ito sapagkat nag-iba ang anyo ng kanyang guro at siya ay naging isang fury. Tinanong siya nito kung nasaan ang lightning bolt ngunit hindi makasagot ang binata dahil wala siyang alam tungkol sa mga bagay na sinasabi ng fury. Sa kabutihang palad ay dumating si Mr. Brunner kasama si Grover na isang matalik na kaibigan ni Percy . Sinabi ni Mr. Brunner na kailangan ng mailayo si Percy at ang kanyang inang isang Sally sa lugar na iyon kaya't agad silang inilabas ni Grover.

   Pumunta nga sina Percy sa kanila at isinama si Sally. Alam na ng kanyang ina kung saan sila pupunta habang si Percy ay litung-lito pa rin. Habang pupunta sila sa isang lihim na lugar ay biglang may naghagis ng baka,. Kaya lumabas sila sa kotse at nalaman ni Percy na si Grover ay isang Halfgoat. Ligtas na sana sila nang makapasok sila camp Halfblood, ngunit hindi natiis ni Percy ang kanyang ina na nakuha ng isang minotaur. Tinapos niya ang buhay ng minotaur ngunit hindi niya nabawi ang kanyang ina at siya'y nawalan ng malay.

   Sa camp site ay napag alaman niyang hindi normal na mga tao ang kanyang kasama. Dito niya nakilala si Annabeth na anak ni Athena. Ipinaliwanag ni Chiron ang lahat ng nangyayari. Nagpakita na naman si Hades sa kampo at sinabi nito na kapag hindi naibalik ni Percy ang lightning bolt ay hindi narin nito makikita ang kanyang ina.

   Dahil dito ay palihim na naglakbay sina Percy, Grover at Annabeth para makuha ang mga perlas ni Persephone na siyang magsisilbing tulay upang makuha nila ang kanyang ina at makalabas sila ng underworld. May tatlong lugar silang kailangang puntahan para makuha ang mga nasabing perlas. Una silang nagpunta kay Medusa. Pinatay siya ni Percy at kinuha ang ulo nito. Pangalawa ay sa parthenon museum at dito nila nakaharap ang hydra na nakapagpahirap sa kanila sapagkat sa bawat pagputol ng ulo nito ay dumodoble ang bilang nito, mabuti na lamang at dala ni Grover ang ulo ni Medusa na siyang naging daan para maging bato ang hydra at sa  huli ay nagwagi rin sila at nakuha nila ang perlas sa estatwa ni Athena.Pangatlo naman ay sa Lotus Casino sa Las Vegas. May mga pumigil sa kanila sa pag-alis kaya dito sila nagtagal. Buti na lang at natauhan si Percy at sila ay nakaalis doon.

   Pagkatapos ng mga pakikipagsapalaran nila  ay tumungo na sila sa hollywood dahil naroroon ang daan palabas sa underworld. Madali ang pagpasok nila doon ngunit mahirap ang paglabas nila dahil kay Hades. Mabuti na lamang at dumating si Persephone at nakita niyang ang lightning bolt sa kalasag ni Percy na sinadya palang ilagay ni Luke. Natalo si Hades, lalabas na sana sila subalit tatlo lang ang perlas kaya nagpaiwan si Grover.

  
 Akala nila ay tapos na ang kanilang paghihirap ngunit nung papunta na sila sa Empire State Building ay pinigilan sila ni Luke. Galit si Luke sa mga diyos maging sa kanyang ama na si Hermis.  Pero agad din siyang natalo ni Percy at nabawi na niya ang lightning bolt. Pagkatapos nito ay agad na pumunta si Percy kay Zeus at ibinalik na nito ang lightning bolt. Isinalaysay ni Percy ang lahat ng nangyari. Humngi ng tawad si Poseidon at simula noon ay namuhay na sila ng payapa.



   
 

No comments:

Post a Comment