Sunday, February 13, 2011

F1.4

   Sa kalawakan ay may isang planeta na pinananahanan ng mga robot, ito ay ang planet cyber point zero. Masaya at payapa ang pamumuhay ng mga mamamayang robot sa planetang ito dahil sa magaling at maayos na pamumuno ng kanilang pinuno na si haring XVZ. Katulong niya sa pamamalakad ang kanyang asawa na si reyna YZE. Ang mag-asawa ay may kaisa isang anak na lalaki na kilala sa buong kaharian dahil sa magagandang katangian na knyang tinataglay gaya na lamang ng pagiging magalang, masipag at matalino. Kung kaya naman ay hinahangaan siya ng karamihan- yan si prinsipe F1.4.

   Sa kabila ng maayos na pamumuhay ng prinisipe at sa magagandang papuri sa knya ay may mababakas sa kanyang anyo ang hindi maitagong kalungkutan sapagkat kiba ang knyang itsura kumpara sa ibang robot. Dahil dito ay maraing katanungan ang namumutawi sa kanyang isipan kung kaya't isang araw ay napagpasiyahan niyang maglakbay para hanapin ang kanyang tunay na katauhan. Marami siyang napuntahang planeta hanggang sa mapadpad siya sa planet earth. Magkahalong ligaya at kalituhan ang kanyang nadama sapagkat nakita niyang kaparehas niya ng anyo ang mga naninirahan dito. Dahil dito ay napagpasiyahan niyang manatili muna dito at ipagpatuloy ang paggalugad sa planeta.

   Sa kanyang mahabang paglalakbay ay napadpad siya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Marami siyang nakitang tao ngunit iba ang kanyang naramdaman ng makita niya ang isang dalaga na ubod ng ganda na may maamong mukha na para bang katulad ng isang anghel. Naguluhan siya sa kanyang sarili sapagkat ngayon lamang siya nakadama ng kakaibang pakiramdam na ganun ng masilayan niya and dalaga. Gusto niyang lapitan ang dalaga at tanungin ang pangalan nito ngunit hindi niya alam kung paano kaya't pinangalanan na lamang niya itong B1.8. Simula noon ay nakahumalingan na niyang sundan ang dalaga kahit saan man ito magpunta.

   Samantala sa planeta cyber point zero naman ay nagkakagulo na sapagkat nawawala ang prinsipe na lingid sa kanilang kaalaman ay nasa palnet earth lamang. Napagpasiyahan ng hari at reyna na hanapin ang kanilang anak. Sa kanilang paglalakbay ay napadpad din sila sa planet earth. Nakaramdam ng pangamba ang mag-asawa sapagkat hindi lamang ngayon ang oras na sila ay nakarating sa lugar na ito ngunit sa kabila nito ay pursigido silang mahanap ang prinsipe kaya't nagpatuly parin sila.

   Sa kabilang dako, habang nagbabasa ang dalaga sa may grandstand ay napansin niyang may nakatingin sa kaniya kaya naman ay nilapitan niya ito. Tinanong ng dalaga kung bakit ito nakatingin sa kanya, natulala ang prinsipe, panandaliang natigilan at agad din naman itong nakasagot. "Ako si prinsipe F1.8", sabi ng prinsipe, natawa lamang ang dalaga sa sagot nito ngunit agad din itong natigilan ng mapansin niyang seryoso ang anyo ng kausap. Nagtanong ulit ito, "sino ka ba talaga", sumagot ang prinsipe na hindi siya tagarito at siya ay nagmula sa ibang planeta. Dahil dito ay sinubukan ng dalaga na tumalikod at iwan nalang ang kausap ngunit hinawakan siya sa kamay ng prinsipe at pinigilan ito. Nag-umpisang magkwento ang prinsipe tungkol sa mga nangyari sa kanya at tsaka lamang naliwanagan ang dalaga.Pagkatapos nito ay niyaya niya itong tumuloy muna sa kanilang lugar habang hindi pa nito alam kung paano uuwi. Hanggang sa isang araw ay may meeting na nagaganap sa paaralan. nandun ang mga estudyante kasama ang kani kanilang magulang.

   Sa tinagal tagal ng paglalakbay ng mag-asawa ay nakarating din sila sa Dizon High na lingid sa kanilang kaalaman ay naroroon kanilang hinahanap. Napagpasiyahan nila na pumunta sa likod ng library para hindi cla makita ng mga tao ngunit may nakakita sa kanila, isang matandang babae. Nangingilid sa mga mata ng matanda ang luha habang papalapit sa dalawang robot. Nang tuluyan na itong makalapit ay agad itong nagsalita, "nasaan ang anak ko, parang awa niyo na  ibalik niyo na ang anak ko". nagulat ang dalawang robot. Habang naglalakad naman sina prinsipe F1.4 at ang dalaga ay napansin nila ang tatlong tao na nag-uusap sa likod ng library at nakilala ng prinsipe na ang kanyang mga magulang ang naroon kaya't dali dali itong lumapit,

   "Ama! ina!, ano ang ginagawa ninyo dito?", nagulantang ang tatlong nag uusap at bumulalas ng iyak ang matandang babae at niyakap ang prinsipe habang binibigkas ang katanungang "siya na ba ang aking anak?", tumango ang mag asawang robot na siyang ikinagulat ng mga naroroon. Nagpaliwanag ang hari ,"anak siya ang tunay mong ina, noong bata ka pa ay kinuha ka namin sa iyong mga magulang sapagkat hindi kami magkaanak". Hindi malaman ng prinisipe kung ano ang kanyang dapat maramdaman sa kanyang mga narinig. Ngunit sa huli ay kaliwanagan at kasiyahan ang kanyang nadama. niyakap rin niya ang kanyang tunay na ina. Nagpaalam na ang mag-asawang robot at iniwan na si prinsipe F1.8.

   Namuhay ng masaya ang mag-ina, pinag-aral si prinsipe F1.8 at ng makatapos ito ay nagtapat na ito ng nararamdaman kay B1.8 na ang tunay palang pangalan ay Bea.Nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng maayos na pamilya kasama ang kanilang magulang na nasa kanilang pangangalaga.At sila ay namuhay ng payapa at maligaya.

No comments:

Post a Comment