Nakahanap ka na ba ng masasabi mong isang tunay mong kabigan? Paano ka nakasisiguro na ang mga sinasabi mong mga kabigan mo ngayon ay tunay at totoo? Para sa akin madali lang. Simple lang ang aking pamantayan sa pagpili ng isang kabigan, yung matapat, mapagkakatiwalaan, magalang at yung hindi mang-iiwan sa oras man ng karangyaan o kagipitan. Lagi nating tatandaan na hindi lamang ang mga taong nakakasalamuha natin sa araw araw ang maaari nating maging kabigan sapagkat marami pa tayong makikilalang mga tao sa ating pakikipagsapalaran sa buhay.
Wag natin kakalimutan kung sino ang pinaka mabuti nating kaibigan ,ang kaibigan na dapat una sa ating listahan, ang Panginoon. Sapagkat siya ay lagi lamang naririyan, kahit kelan ay hindi niya tayo pababayaan. Lagi niya tayong ginagabayan sa lahat ng ating ginagawa at siya rin ang tunay na nakakaintindi ng totoo nating nararamdaman. Kung may problema ka magdasal ka sa kanya, sabihin mo lahat, ipagkatiwala mo sa kanya ang tamang paggabay at sigurado malalagay ka sa tama, sa maliwanag na landas. Pangalawa ang ating mga magulang na siyang walang sawang susuporta sa atin anuman ang ating naisin. Ang ating mga magulang ay laging mananatili sa ating puso at pagkatao, kahit kelan ay hindi matatawaran ang hirap na kanilang dinanas upang marating natin ang magandang buhay na tinatamasa natin ngayon. At tsaka lamang ang ibang tao. Sa pagpili natin sa kanila ay dapat lagi nating hingin ang patnubay ng Diyos at ng ating mga magulang sapagkat sila ang nakakaalam kung ano ang makabubuti natin. Pillin natin yung mga taong magdadala sa atin sa kabutihan, hindi sa kasamaan.
Sila ang mga tunay nating kaibigan!
No comments:
Post a Comment